Hindi ito pwede sa mga taong mahihina ang puso.
Una sa lahat hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit napunta ako sa ganitong genre ng Thai drama. Kinabahan ako kasi sa summary pa lamang parang SPG na siya. Sa totoo lang hindi talaga ako fan ng mga sampalan at SPG na scene pero dahil nga ako ay sadyang usisera ayan pinanood ko siya. Inabot lang naman ako ng dalawang araw para matapos ang buong serye. Isa sa mga masasabi ko ay ito ay halos kapareho sa kung ano nangyayari sa reyalidad. Yung iyakan talaga ang bibigat. Saludo ako sa main leads talagang binigyan nila yung hustisya ang character nila.
Basta kung ayaw mo ng mga mabibigat na eksena at talagang mga "realtalk" na ganap humanap ka ng iba.
Basta kung ayaw mo ng mga mabibigat na eksena at talagang mga "realtalk" na ganap humanap ka ng iba.
Vond je deze recentie nuttig?